News

eam best student paper 2022

E. Arsenio Manuel Best Student Paper Award

October 28, 2022
Read more about E. Arsenio Manuel Best Student Paper Award
culture talks ph

Pambansang Wika: Para sa bansa, para sa lahat?

September 9, 2022
Naimbitahan ako ng Culture Talks PH na makilahok sa isang talakayan sa Twitter Space tungkol sa pambansang wika at ang mga naging/nagiging epekto nito sa isang multilingguwal at multikultural na bansa kagaya ng Pilipinas. Kasama ko sina Monica F. A. W. Santos at Reginaldo Cruz ng Departamento ng Antropolohiya, Unibersidad ng Pilipinas Diliman at Jecon Dreisbach ng De La Salle University at Universitat Oberta de Catalunya. Maaaring makita ang live tweets tungkol sa sesyon sa https://twitter.com/CultureTalksPH. Read more about Pambansang Wika: Para sa bansa, para sa lahat?
baka naman pwede 2022

Wikang Filipino, Wikang Inklusibo? (Baka Naman Pwede)

August 25, 2022
Naimbitahan akong maging panauhin sa programang "Baka Naman Pwede" ng Institute of Philippine Culture-Ateneo de Manila University na binrodkast sa Radyo Katipunan 87.9 FM. Kasama si Kat. Prop. Monica Fides Amada W. Santos ng Departamento ng Antropolohiya, tinalakay namin ang paksang "Wikang Filipino, Wikang Inklusibo?" Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si Prop. Ariel A. Diccion ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasang Ateneo de Manila. Mapapanood ang programang ito sa sumusunod na link: https://www.facebook.com/AteneoIPC/videos/1812928815728523. Read more about Wikang Filipino, Wikang Inklusibo? (Baka Naman Pwede)

TAMBALAN 2022: Pagtatampok ng mga Teknolohiya para sa Saliksik-Wika

May 7, 2022
Naimbitahan akong magbahagi sa online event na TAMBALAN 2022: Pagtatampok ng mga Teknolohiya para sa Saliksik-Wika na inorganisa ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon, Samahan ng mga mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino at Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa Rizal Technological University. Tinalakay ko ang paggamit ng mga computer software na Praat Speech Analyzer at JPlot Formants at ang kanilang mga potensiyal na aplikasyon sa lingguwistikong pananaliksik.
alac intfest

ALAC IntFest 2022

February 9, 2022
I was invited to speak at Ateneo Lingua Ars Cultura (ALAC)'s annual event called International Festival or IntFest. 2022's theme is ARCANUM "celebrating the mystic universe of spiritual wisdom and traditions from all over the earth". I gave a talk on the typological features of Philippine languages and how scholars have analyzed them since the early 20th century. You can know more about ALAC's... Read more about ALAC IntFest 2022
1st kadunong lecture

Unang Kadunong Lecture ng UP CSSP Folklore Studies Program

October 29, 2021
Idinaos noong Biyernes, 29 Oktubre, 2021 ang kauna-unahang Kadunong Lecture ng UP CSSP Folklore Studies Program na pinamagatang "Todos Los Santos: Rituals of Remembrance". Nagbahagi ng kanilang mga pananaliksik sina Prop. Grace Barretto-Tesoro, PhD ng UP Archaeological Studies Program at Prop. Noreen H. Sapalo ng UP Department of Anthropology. Kami naman ni G. EJ Bolata ng Departamento ng Kasaysayan ang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa sa hapong iyon. Mapapanood ang recording ng sesyon sa https://www.facebook.com/UPFolkloreStudiesProgram/videos/1348935302224636. Read more about Unang Kadunong Lecture ng UP CSSP Folklore Studies Program
ipinamalay na documentary

"Ipinamalay Na!" Documentary by Aman Sinaya Productions

October 22, 2021
Noong 22 Oktubre, 2021 ay kinapanayam ako ng teacher-scholars mula sa Marinduque State College, Graduate Diploma in Cultural Education para sa kanilang dokumentaryong pinamagatang "Ipinamalay Na!". Nilikha sa ilalim ng Aman Sinaya Productions, tinalakay ng dokumentaryo ang posibleng mga koneksyon ng Munisipyo ng Pinamalayan, Oriental Mindoro sa Lalawigan ng Marinduque. Nagbigay ako ng ilan sa aking mga kuro-kuro at nagbanggit ng mahahalagang datos at sanggunian na makatutulong sa paglapit sa pananaliksik sa toponimiya, o ang pag-aaral sa pagpapangalan ng mga lugar.
up budget cut

Pahayag ng mga Guro ukol sa UP Budget Cut

October 15, 2021
Nagbigay ako ng ilan sa aking mga kuro-kuro at opinyon tungkol sa kampanyang #NoToBudgetCut ng iba't ibang organisasyon at pormasyong pangmag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Makikita sa sumusunod na post ng League of Filipino Students - College of Social Sciences and Philosophy (LFS-CSSP) ang mga pahayag ko at ng aking mga kapuwa guro tungkol sa isyu: https://www.facebook.com/lfsupdcssp/posts/1914606872057589. Read more about Pahayag ng mga Guro ukol sa UP Budget Cut