August 14, 2024
Pinalad akong maging kalahok sa Ika-4 na Saling Panitik Seminar-Palihan Bienvenido Lumbera na may temang Pagsasalin ng literatura at pilosopiya ng Germany patungo sa wikang Filipino mula 14-16 Agosto 2024 sa Privato Hotel, Lungsod ng Quezon. Ayon sa opisyal na Facebook page ng Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing (Likhaan-ICW), ipinangalan ang aktibdad kay Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, upang kilalanin ang kaniyang malaking kontribusyon sa mga usaping pangwika, pampanitikan, at pangkultura sa Pilipinas. Naging mabunga ang seminar-palihan sa ilalim ng pangkalahatang pamamahala ng kasalukuyang direktor ng Likhaan-ICW na si Dr. Vladimeir B. Gonzales, ang workshop director na si Dr. Ramon Guillermo, at ang lahat ng kapita-pitagang panelista at tagapagsalita.