For the May installment of the Philippine Indigenous Languages Lecture Series (PILLS) for 2025, I gave a lecture on applying some contemporary grammatical theories to Porohanon. Here is the synopsis of my talk:
Ang papel na ito ay munting demonstrasyon sa paggamit ng ilang kontemporanyong teorya sa pagsusuri ng morposintaks ng Porohanon, isang wikang primaryang sinasalita sa Munisipyo ng Poro, mga Isla ng Camotes, Lalawigan ng Cebu. Sa pagsasabing "kontemporanyo", isinaalang-alang ko ang pagkakalimbag ng mga importanteng publikasyon (lalo na ng mga orihinal na nag-isip ng mga teorya) at pagkakaorganisa ng mga regular na kumperensiyang nakatutok sa mga teoryang ito sa nakalipas na sampung taon. Tatalakayin ko ang Cognitive Grammar ni Ronald W. Langacker, ang Radical Construction Grammar (RCG) ni William Croft, ang Role & Reference Grammar nina Robert Van Valin, Jr. at William A. Foley, at ang Lexical-Functional Grammar (LFG) nina Joan Bresnan at Ronald M. Kaplan. Sa aking pagtataya, malaki ang potensiyal ng mga naturang teoryang mapalitaw ang pagkanatatangi ng Porohanon kasabay ng pagtatampok ng mga pagkakatulad nito sa iba pang mga wikang Bisayan at wikang Pilipinas. Sa huli, maghahapag ako ng ilang mga personal na pagmumuni tungkol sa maaaring (at 'di maaaring) maitulong sa atin ng mahigpit na pagsunod sa mga teorya sa pagpapatuloy ng gawain ng paglalarawan sa mga gramatika ng ating mga wika.
Mga susing salita: Porohanon, paglalarawang panggramatika, Cognitive Grammar, Radical Construction Grammar, Role & Reference Grammar, Lexical-Functional Grammar
More information can be found in this write up in the official website of the UP Department of Linguistics: https://linguistics.upd.edu.ph/news/santiago-asks-how-can-porohanon-info....

