Sosyolinggwistikong Pagsusuri sa Lexical Choice ng Kontemporaryong Gamit ng Wikang Filipino

Citation:

J.R. Javier. 2022. “Sosyolinggwistikong Pagsusuri sa Lexical Choice ng Kontemporaryong Gamit ng Wikang Filipino.” In W. de la Peña (Ed.), The Legacy of Consuelo J. Paz: A Festschrift, Pp. 90-108. Quezon City: UP Center for International Studies.
Sosyolinggwistikong Pagsusuri sa Lexical Choice ng Kontemporaryong Gamit ng Wikang Filipino

Abstract:

Nakatutok ang papel na ito sa deskriptibong pagtingin sa kalagayan ng Filipino, ayon sa aktuwal na paggamit ng mga tagapagsalita at sa impluwensiya ng Kastila at Ingles, mga wikang ipinakilala sa Pilipinas sa panahon ng kolonisasyon. Gamit ang kuwantitatibong paraan, sisiyasatin ang ingklinasyon sa lexical choice sa pasulat na Filipino ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, isang akademikong institusyong itinuturing na kultural at linggwistik na melting pot at nagpapatupad ng malinaw na patakarang pangwikang nakatuon sa Filipino, ang wikang pambansa.
Last updated on 04/23/2022