Salimbayan ng kasaysayan ng UP Departamento ng Linggwistiks at ng development ng Filipino bilang medium of instruction

Citation:

J.R. Javier. 2012. “Salimbayan ng kasaysayan ng UP Departamento ng Linggwistiks at ng development ng Filipino bilang medium of instruction.” In J. Peregrino, P. Constantino, N. Ocampo, and J. Petras (Eds.), Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino. Quezon City: UP Diliman Sentro ng Wikang Filipino. Publisher's Version
Salimbayan ng kasaysayan ng UP Departamento ng Linggwistiks at ng development ng Filipino bilang medium of instruction

Abstract:

[Excerpt]

Dahil sa ang Unibersidad ng Pilipinas ang siyang pambansang pang-estadong pamantasan ng bansa, ito ang pangunahing naninindigan sa paggamit ng pambansang wikang Filipino sa diskurso sa loob ng nasabing akademikong pamayanan. Tulad ng nabanggit sa itaas, malalim ang pakikilahok ng Departamento ng Linggwistiks sapagkat ito ang kaniyang pundamental na raison d'être. Dahil sa ang UP Diliman ay nasa Lunsod ng Quezon, Pambansang Punong Rehiyon, ginagamit ng Unibersidad, at ng Departamento, ang Filipino variety ng Kalakhang Maynila.

[...] Ang siyentipikong pag-aaral sa wika ay ipinakilala sa bansa sa pamamagitan ng pagtatatag ng Departamento ng Linggwistiks sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1922. Gayunman, hindi ibig sabihing ang mga naunang pag-aaral sa (gramatika ng) mga wika sa Pilipinas tulad ng pagsusuring panggramatika ni Rizal (1962) ay hindi linggwistiks. Bago sa panlasa ng academic community ang brand ng Linggwistiks na ipinakilala noong 1922 dahil sa mga bagong metodolohiya at lapit sa wika na in-introduce sa bansa. Ang puntong yaon ang naghudyat sa pagyabong ng kaalaman at pagti-theorise tungo sa makabagong pananaliksik hinggil sa mga wika ng Pilipinas.

Last updated on 06/02/2022