Citation:
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsipat sa grammar ng Tagalog batay sa mga prinsipyo ng Cognitive Grammar, na may partikular na diin sa clause structure. Bilang isang theoretical framework na tumitingin sa wika bilang bahagi ng human cognition, tutukuyin ng pananaliksik na ito ang clausal at sentential organisation ng Tagalog, na nagsisilbing 'schematic templates' na nabuo bilang consequence ng madalas na gamit at/o pagkarinig. Ang unang chapter ay maglalahad ng ilang prerequisite ng pananaliksik tulad ng paksa, kaligiran, at layunin ng pag-aaral; sakop at limitasyon at metodolohiyang ginamit; at ang kahalagahan ng ganitong approach sa makaagham na pag-aaral ng wika. Umiinog ang ikalawang chapter sa theoretical framework na Cognitive Grammar—ang pagsasakonteksto nito sa mas malawak na Cognitive Linguistics enterprise at ang pagtalakay sa mga batayang assumption, konsepto, at prinsipyong umiiral sa Cognitive Grammar. Sa ikatlong chapter naman matutunghayan ang iba‟t ibang event schema sa Tagalog, at ang descriptive na analysis sa structure at organisation ng mga pangungusap na nagpapahayag ng mga event schema, na nahati sa tatlong worlds of experience: material world, psychological world, at force-dynamics world. Ang ikaapat na chapter naman ay ang pagbibigay-representasyon sa construction ng sentence sa pamamagitan ng structural syntax na bahagi ng Cognitive Grammar. Pagtutuunan ng pansin ang construction at derivation ng mga structure na bumubuo sa basic sentence at ilang halimbawa ng complex construction tulad ng adverbial expression, relativised clause, at embedded clause bilang object ng utterance/cognition verb. Ang huling bahagi ay ang paglalahad ng ilan pang punto sa applicability ng Cognitive Grammar sa pag-aaral ng Tagalog. Matutunghayan din ang pagmumungkahing ang mga resulta ng pananaliksik sa ilalim ng nasabing framework ay may malaking maiaambag sa mga kaugnay na pag-aaral ng wika tulad ng psycholinguistics, language acquisition at learning, at pedagogy.