PANAWAGAN PARA SA PANANALIKSIK
Ang Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Sentro ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng Gawad Saliksik-Wika ay tumatanggap ng panukalang saliksik sa wikang Filipino.
Ang Gawad Saliksik-Wika ay programa ng UP-Diliman SWF na naggagawad ng pondo at suporta para sa mga pananaliksik na may kinalaman sa wikang Filipino at kulturang Filipino. Ang gawad ay isang kompetisyon at ipagkakaloob taon-taon.
Bukas ang gawad na ito sa mga gurong may ranggong Katuwang na Propesor pataas at REPS na may ranggong Mananaliksik ng Unibersidad I pataas mula sa UP Diliman at ang saliksik ay maaaring isagawa ng indibidwal o ng grupo. Ang ipagkakaloob na gawad ay mula sa halagang Ph100,000 minimum at Ph150,000 maximum at batay sa rekord ng mga nagawa na pananaliksik ng proponent.
Isasapubliko ang resulta ng pananaliksik sa isang forum na itataguyod ng SWF. May karapatan din ang UP-Diliman SWF sa unang paglalathala ng anumang resulta ng pananaliksik.
Batayan ng Gawad
May kalayaan ang proponent na magpanukala ng anumang proyekto ng pananaliksik na may kaugnayan sa wikang Filipino at kulturang Filipino. Gayunman, binibigyan-diin ang mga sumusunod na paksa ng pananaliksik:
• saliksik sa gamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at bilang opisyal na wika
• saliksik sa wikang Filipino bilang wika ng karunungan sa iba’t ibang disiplina
• gramatika at mga diksiyonaryong Filipino at iba pang wika sa Pilipinas
• pagpapayaman ng Filipino batay sa mga wika sa Pilipinas
• saliksik sa mga palisi at patakarang pangwika sa Pilipinas
• Filipino bilang larangan
Mga dapat isumite:
1. proposal (pormularyo*)
2. updated curriculum vitae
Mga Petsang Dapat Tandaan:
Pagsusumite ng Proposal: Hunyo-Oktubre 30, 2015
Pagpapahayag ng mga Gagawaran: Enero 2016
Pagsusumite ng Pinal na Papel: Enero 2017
Panayam: Agosto 2017
Ipadala ang panukala sa:
Direktor
UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman
3 Palapag, Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Campus
Diliman, Lungsod Quezon 1101
*Maaaring ma-download ang pormularyo at mabasa ang alituntunin sa SWF website:
http://pages.upd.edu.ph/sentrofilipino
Para sa karagdagang impormasyon,
maaaring tumawag sa Sentro ng Wikang Filipino:
3/Palapag, Gusaling SURP, E. Jacinto St., UP Diliman, Lungsod Quezon 1101
(02) 924-4747, (02) 426-5838, (02) 981-8500 lokal 4583
panawagan-_saliksik-wika_-_v3.pdf | 286 KB | |
guidelines-grant2015.pdf | 91 KB | |
gawad01_pormularyo-aplikasyon.doc | 60 KB | |
gawad05_lagom_ng_mga_gastos.xls | 19 KB | |
gawad07_tax-withheld-filipino.xls | 30 KB |