Awditoryum ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadala, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Ang UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman) sa pakikipagtulungan ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism & Democracy-UP (CONTEND-UP) at UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadala ay magdaraos ng forum na may temang Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan. Gaganapin po ito saMarso 5, 2015 (Huwebes), 1:00 nh - 5:00 nh sa Awditoryum ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadala, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Ilan sa tagapagsalita ng naturang forum sina Dr. Epifanio San...
Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, KAL, Faculty Center, UPD
“TALASALITAAN: Isang Paglulunsad at Panayam”
Itinataguyod ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa pakikipagtulungan sa Opisina ng Tsanselor at UP Kolehiyo ng Arte at Literatura (UP KAL) ang TALASALITAAN: Isang Paglulunsad at Panayam,” na gaganapin sa 26 Pebrero 2015, Huwebes, mula ika-1 ng hapon hanggang ika-5 ng hapon, sa Pulungang Recto Bulwagang Rizal, Faculty Center, UP Diliman, Lungsod Quezon. Ang proyektong ito ay isang pakikilahok ng SWF sa pagdiriwang ng Buwan ng UP Diliman...
Pagbalik tanaw sa kasaysayan, pagsusuri sa kasalukuyan, at pagpaplano para sa hinaharap ang paraan ng selebrasyon ng UP Diliman Sentro ng Wikang Filipino sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas.
Isa sa mga tampok na gawain kaugnay nito ang isang kamustahan at talakayan pangunahin ng mgadirektor/tagapag-ugnay ng iba’t ibang Sentro ng Wikang Filipino sa bawat yunit ng Unibersidad ng Pilipinas kasama ang Los Banos, Baguio, Manila, Tacloban, Cebu, Visayas Iloilo, at Mindanao.