Sayang sayang sayang: Mga linggwistik na tala ukol sas pagsasaling Bahasa Indonesia—Filipino

Presentation Date: 

Tuesday, October 8, 2019

Location: 

Saling Panitik: Ikalawang Bienvenido Lumbera Seminar-Palihan sa Pagsasalin, Quezon City
Tatalakayin sa presentasyong ito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Pilipinas at Indonesia, partikular sa kasaysayan, kultura, at wika. Sa usapin ng linggwistikong katangian, ipakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Bahasa Indonesia at Filipino sa larangan ng kayarian ng pangungusap, batayang idyomatikong pagpapahayag, verb inflection, modality, tense/aspect, object marking, classifier, pronoun, at term of address. Sisipatin sa paghahambing ng estruktura ng Filipino at Bahasa Indonesia ang implikasyon linggwistik at kultural na pagsasalin (gaya ng pagsasalin ayon sa register, paggamit ng equivalence o adaptation) ng Filipino patungong Bahasa Indonesia at vice versa.