Presentation Date:
Location:
Nakatuon ang pagsasanay sa batayang kaalaman sa leksikograpiya na magagamit sa pagbuo ng proyektong leksikograpiko. Sa madaling pagpapakahulugan, ang leksikograpiya ay tumutukoy sa mga prinsipyo at praktika sa pagbuo ng diksiyonaryo. Pumapaloob ito sa bahagi ng corpus planning na nakadikit sa mga proseso ng kodipikasyon at elaborasyon sa pagpaplanong pangwika. Bagama't mapanghamon, maituturing na mahalaga ang mga proyektong leksikograpiko para sa mga adhikaing nauukol sa preserbasyon at intelektuwalisasyon ng wika. Ang isang buong araw na palihan ay magbibigay ng panimulang kaalaman at batayang kasanayan sa mga kalahok sa pagdidisenyo ng diksiyonaryo, kadikit ang akmang pagsulat ng kahulugan ng mga salita/entri o dictionary article. Inaasahang magbubunsod ito ng interes sa pagbuo ng panimulang glosari/diksiyonaryo sa Filipino para sa iba't ibang larangan.
The presentation may be viewed on the Sentro ng Wikang Filipino—UP Diliman YouTube channel: https://youtu.be/kN29QUkV534?si=seMZNRCzK1bctsZh