Pagsasalin sa Filipino: Mga hamon at tunguhin

Presentation Date: 

Thursday, May 17, 2018

Location: 

Salinaysay: Serye ng mga Pagsasanay sa Pagsasalin, Polytechnic University of the Philippines, Manila
Ilalahad sa presentasyong ito ang kalikasan ng wikang Filipino bilang Philippine-type language at ang implikasyon ng mga puntong ito sa pagsasalin tungo sa naturang wika. Ipakikita ang mga pangangailangan sa pagsasalin ng teknikal na sulatin at pagtanaw sa iba't ibang usaping may kinalaman estandardisasyon ng pagsasalin gaya ng hamon nito sa tagasalin, mga problema sa paglalapat ng salita at ispeling. Magbibigay rin ng ilang panukala sa pamamaraan ng pagsasalin at mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng salitang gagamiting panumbas sa orihinal na teksto, panghihiram mula sa banyaga at iba pang katutubong wika, at paglikha ng bagong salita. Sa huli, bibigyang-diin ang pagsasaalang-alang kapwa sa kultura at wika ng orihinal na teksto at ng target text tungo sa isang angkop na salin.