Presentation Date:
Saturday, August 14, 2021
Location:
Dunong Katutubo: Pagpapayaman ng Kultura ng Bayan sa Pamamagitan ng mga Katutubong Wika sa Pilipinas, NCCA Philippine Cultural Education Program (Virtual Meeting via Zoom)
Sa lekturang ito, tatalakayin ang kasalukuyang linggwistik na sitwasyon ng Pilipinas, kaugnayan ng linggwistikong dibersidad at biodiversity, kahalagahan ng lahat ng wika, at pagdidiin na ang linggwistikong karapatan ay karapatang pantao na dapat pangalagaan at itaguyod. Sa huli, itinutulak ang ideyang ang linggwistikong dibersidad ay bahagi ng pagsusulong sa isang uri ng pag-unlad na maituturing na angkop, makatarungan, pamalagian (sustainable), at nakapagpapalakas (empowering) ng indibidwal at ng pamayanan sa pangkalahatan.