Itaas ang Kamay at Iwagayway

Citation:

Vincent Christopher A. Santiago. 2023. “Itaas ang Kamay at Iwagayway.” Katipunan Journal: Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, 11, 2, Pp. 293-313. Publisher's Version
Itaas ang Kamay at Iwagayway

Abstract:

Ang kuwentong ito ay nakasentro sa panipis nang panipis na mga
ugnayang domestiko sa pagitan ng mag-asawang Chard at Meling, at
ang dalawa nilang anak na sina Bugsy at Jonesy. Si Bugsy ay papatapos
na sa kaniyang kursong Civil Engineering at desididong kumuha ng
licensure examinations sa susunod na taon. Ang pagkadesidido niyang
ito ay nagmumula sa pagkabigo ng kaniyang ama na nakatapos nga
ng naturang kurso ngunit hindi na nakuha ang lisensiya sa pagiging
inhinyero. Si Meling naman at Jonesy ay nagkakaisa sa pagpapaalala at
pagtawag ng pansin sa mag-iisang taon nang sira nilang telebisyon. Sa
panahon kung saan nakalunan ang kuwento, pangunahing libangan pa
rin ang panonood ng iba’t ibang mga palabas sa TV. Magpipresenta ng
oportunidad upang mapanumbalik ang kapayapaan at katahimikan sa
kanilang tahanan ang isang sorpresang raffle draw sa Christmas party
sa kanilang kapitbahayan, pati na ng oportunidad kay Bugsy na balikan
ang isang bahagi ng kaniyang pagkabata na matagal na niyang isinantabi.