Isang Radical Construction Grammar na Pagsusuri sa mga Pilíng Konstruksiyon sa Porohánon

Citation:

Vincent Christopher A. Santiago. 2025. “Isang Radical Construction Grammar na Pagsusuri sa mga Pilíng Konstruksiyon sa Porohánon.” Proceedings | Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika 2022, Pp. 282-289.

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay tangkang paglalapat ng Radical Construction Grammar (RCG) sa tatlong (3) konstruksiyon sa Porohánon (ISO 639-3 prh), isang varayting Bisayan 1 na sinasalita sa Munisipalidad ng Poro, Mga Isla ng Camotes, Cebu. Ang mga konstruksiyong ito ay ang i.) Similatibo, ii.) Eksistensiyal-Posesibo-Lokatibo, at iii.) may berbal na panaguri. Bilang teoryang pansintaktika, isinusulong ng RCG ang paggamit sa mga gramatikal na kategoryang nagmumula sa at binibigyang-depinisyon gamit ng mga pamantayang partikular lamang sa espesipikong wikang pinag-aaralan. Sa ganitong pagtanaw, layuning mapalitaw ang mga pagkanatatangi ng gramatika ng Porohánon sa konteksto ng iba pang mga wikang Bisayan na may mas mahahabang tradisyon ng pag-aaral at pagsusuri.

Mga susing salita: Porohanon, Radical Construction Grammar, mga konstruksiyon

Mga kaugnay na paksa: Pag-aaral sa Gramatika