Isang Multi-criterial na Pag-iiba ng Pangngalan at Pandiwa sa Romblomanon/Ini [A Multi-criterial Distinction of Noun and Verb in Romblomanon/Ini]

Isang Multi-criterial na Pag-iiba ng Pangngalan at Pandiwa sa Romblomanon/Ini [A Multi-criterial Distinction of Noun and Verb in Romblomanon/Ini]

Abstract:

Inihaharap ng papel ang isang multi-criterial na pag-iiba ng mga sintaktikong kategoryang pangngalan (noun) at pandiwa (verb) sa Romblomanon/Ini. Malaon nang pinroblematisa ang mga sintaktikong kategorya sa mga wikang Pilipinas (WP) o kung mayroon nga bang mga ito. Para sa ilang lingguwista, ang tila napakalayang distribusyon ng mga salita sa anumang sintaktikong posisyon ay ebidensya laban sa pagkakategorisa ng mga salita sa mga WP. Ngunit kung titingnan ang a.) mga pantukoy na si, ni, kay at ang kanilang gamit at distribusyon, b.) mga negation pattern sa iba’t ibang mga konstruksyon, at c.) frequency ng mga praseng (phrase) kinaiiralan ng mga pandiwa sa posisyong pang-argumento at ang mga partikular na komunikatibong pangangailangang sinasagot ng mga ganitong uri ng konstruksyon, makikitang pinag-iiba pa rin ng Romblomanon/Ini ang pangngalan at pandiwa bilang mga sintaktikong kategorya at hindi ganoon “kalaya” ang kanilang pag-iral sa iba’t ibang sintaktikong posisyon.
 
[The paper forwards a multi-criterial distinction between the syntactic categories of noun and verb in Romblomanon/Ini. The existence or absence of syntactic categories in Philippine languages (PLs) has been problematized for quite some time. For some linguists, the seemingly unconstrained distribution of words in any syntactic position is evidence against word categorization in PLs. However, if we examine a.) the determiners si, ni, kay and their use and distribution, b.) negation patterns in different constructions, and c.) the frequency of the phrases where verbs occur in positions traditionally reserved for arguments and the particular communicative needs these kinds of constructions fulfill, we can see that Romblomanon/Ini does make a distinction between the syntactic categories of noun and verb and their occurrence in various syntactic positions is not as "free" as previously thought.]
 
Keywords: mga sintaktikong kategorya, Romblomanon, Ini, gramatika

ISO 639-3 language codes:  rol
Last updated on 09/27/2024