Abstract:
Tinatalakay ang aklat na ito ang iba’t ibang teorya ng batas lalo na iyong nagmumula sa tradisyon ng Klasikong Etika at ng Agham Panlipunan. Gayundin ang teorya ng batas ng Klasikong Likas ng Batas, Karapatang Likas, Makasaysayang Hurisprudensiya, Sosyolohikong Hurisprudensiya at Realismong Panlegal ng Amerika. Maingat at ganap na ipinaliwanag ng may-akda ang mga katangian at ang mga kritisismo sa bawat teorya ng batas. Ipinakita rin niya ang kahalagahan at ang kaugnayan ng pag-aaral ng pilosopiya ng batas para sa mag-aaral, hindi lamang sa pag-unawa ng batas, kundi sa pag-intindi ng mga panlipunan at pampolitikang problema sa mundo at kaniyang pagkatao mismo.:: Emmanuel Q. Fernando P250.00 202 p.; 18 x 25 cm; c2002 (bookpaper; softbound) ISBN 971-635-014-7