Abstract:
SALINDAW: Varayti at Baryasyon: Ang salitang salindaw ay nagmula sa wikang Maguindanao at Maranao na ang ibig sabihin ay maningning, marikit, sikat, sinag, o nagbibigay liwanag. Tulad ng wika, ang varayti at baryasyon nito ay tila mga sinag ng araw na nagmumula sa isang malaking liwanag na nakabubuo ng iba’t ibang sinag na espesipikong nagbibigay ng mga diwa sa bawat bahagi ng lipunan. Napili ito upang maipakita ang yaman ng mga salitang Filipino mula sa iba’t ibang wika ng Pilipinas. Nilalayon ng aklat na ito na mabigyan ng linaw ang mga konsepto at teorya, mailahad, masuri at mabigyan linaw ang mga pag-aaral ng varayti at baryasyon sa wikang Filipino sa usaping panglingguwistiks, pangheograpiya, pangkultura, panlipunan, pang-okupasyon at pang-akademya at ang kahalagahan at papel ng mga varayting ito sa konteksto ng pagpaplano sa wikang pambansa.:: Jovy M. Peregrino, Pamela C. Constantino, Nilo S. Ocampo, Jayson D. Petras, (mga editor) 393 p.; 18 x 25 cm; c2011 ISBN978-971-635-039-5 (bookpaper; softbound)