Citation:
Abstract:
Ang aklat ay tungkol sa halagahan at aral na halaw mula sa pamamaraan at kilos-kapayapaan ng kababaihang Talaandig. Mga salaysay ng mga Inay Malinandang, mga nanay na kumikilos para sa kapayapaan ang naging daan na nagbukas sa mundo, pananaw, at halagahan ng malawak na salitang kapayapaan ng Talaandig. Inilalahad sa aklat na ito ang mga resolusyon, kautusan, at batas mula sa United Nations at Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas tungkol sa ugnayan ng kilos-kapayapaan ng kababaihan, paglalahad at pagsusuri ng isang halimbawang gabay sa pagtuturo ng Edukasyong Pangkapayapaan at pagtanaw sa kahulugan at nilalaman ng Edukasyong Pangkapayapaan sa bansa. Isinama ang mga aral at halagahang halaw mula sa prosesong kapayapaan ng mga Inay Malinandang ng Talaandig. Naglalaman rin ito ng balangkas para sa pagtuturo at pitong modyul sa pag-aaral ng edukasyong pangkapayapaan para sa pagsasanay ng mga gurong magtuturo ng edukasyong pangkapayapaang ng K-12 sa bansa.:: Geraldine Delos Cientos, RSCJ, Komunidad ng Talaandig ng Sungko Lantapan, Bukidnon 216 p.; 18 x 25 cm; c2014 ISBN978-971-635-043-2 PhP250.00 (bookpaper; softbound)