Citation:
Abstract:
Ang aklat na ito ay unang bahagi ng serye ng dalawang aklat na kritikal na pag-aaral sa pinagdaanang kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Sa unang bahagi ng serye, tinalunton ang naging papel ng mga institusyon, indibidwal, at grupo o mga samahan kaugnay ng pagbubuo ng bansa sa pamamagitan ng wikang pambansa, sa panahon ng Amerikano at Hapon, hanggang sa pagkakamit ng kalayaan noong 1946. Partikular na tinalagay dito ang papel ng mga indibidwal na Amerikano na hindi sumang-ayon sa patakarang pangwika ng gobyernong Amerikano sa Ingles, ang mga indibidwal na Pilipinong karamiha’y mga manunulat at peryodista, at mga samahang pangwika na nabuo sa panahong iyon bilang reaksiyon sa pagdomina ng Ingles lalo na sa larangan ng edukasyon. Naglista rin ng mga pahayagang nalimbag sa panahong iyon na tumalakay sa mga isyung pangwika. Ang bilang o dami ng mga pahayagang ito, di lang sa Pilipinas kundi maging sa Amerika ay nagpatunay na gintong panahon ng pamamahayag at pagsusulat ng mga saloobin at opinyon ang panahong ito.:: Dr. Pamela C. Constantino
:: Pilipinas: 1898-1946 Dr. Pamela C. Constantino PhP300 230 p.; 15 x 23 cm; c2014 (bookpaper; softbound) ISBN 978-971-365-046-3