Citation:
Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay sumisiyasat sa mga katangian ng morposintaks o palabuoan ng mga salita at pangungusap sa Tagalog na sinasalita sa Morong, Rizal. Sa mga naunang pag-aaral sa Tagalog Morong at iba pang mga varayti ng Tagalog sa Rizal, pinagtuonan ng higit na pansin ang antas ng ponolohiya o ang mga tunog ng wika at pagsasaayos ng mga ito, at ang antas ng leksikon o mga salita ng wika. Bilang ambag sa deskripsiyon ng Tagalog Morong, limang (5) partikular na aspekto ng gramatika nito ang aanalisahin: (1) ang eksklamatibong panlaping baN-; (2) ang superlatibong pormang pinakang; (3) ang intensibong pormang pinimiran ng; (4) ang pananong na at ano?; at (5) ang pragmatic marker na hane. Batay sa mga ito, inihahambing at itinatambis ang Tagalog Morong sa mga varayti ng Tagalog na sinasalita sa iba pang mga karatig-bayan ng Rizal, sa mga diyalekto ng Tagalog sa iba pang mga lalawigan sa Timog Katagalugan, sa Tagalog sa Kalakhang Maynila, at sa mga wikang Bisayan at Bikol.
Mga susing salita: Tagalog Morong, diyalektolohiya, morposintaks
ISO 639-3 language codes: tgl

