Rebolusyong Filipino: Memorias Intimas.; 1998.
AbstractSalin mula sa Espanyol ng mga gunita ng isang “kaaway” sa unang yugto at “kapanalig” sa ikalawang yugto ng Rebolusyong Filipino. Isang mestisong Espanyol, si Sityar ay opisyal ng Guwardiya Sibil na sumapi sa hukbong Filipino noong katapusan ng siglo 20.
Patolohiya ng Halaman.; 1998.
AbstractIpinaliliwanag sa aklat ang mga batayang kaalaman tungkol sa mga sakit ng halaman, gayundin, ang mga pamamaraan sa pagsugpo nito. Hindi magiging mabisa ang pagbibigay ng lunas kung hindi mauunawaan ang dahilan ng pagkakasakit ng mga halaman.
Pagpoproseso ng Pagkain.; 1998.
AbstractTeksbuk sa batayang kursong Pagpoproseso ng Pagkain. Pangunahing nilalaman ang mga karaniwan at madalas na ginagamit sa pagsusuri ng pagkaing dumaan sa germentasyon. Nahahati sa limang kabanatang tumatalakay sa mga uri ng fermentasyon, at uri ng mga pagkaing dumaan sa fermentasyon na gumamit ng iba’t ibang materyales.
Los Hispanismos.; 1998.
AbstractIsang pag-aaral lingguwistiko (na nakasulat sa Espanyol) ng mga hispanismo o salitang espanyol na matatagpuan sa makabagong Filipino, batay sa komunikasyong pangmadla ng Filipinas, tulad ng radyo, telebisyon, peryodiko at magazine. Isinagawa ang pag-aaral ayon sa iba’t ibang antas lingguwistiko: ortograpiko, ponolohiko; morpolohiko,
semantiko at leksiko, upang alamin kung paano pumaloob at umangkop ang mga hispanismo sa wikang pambansa. Kasama rin sa pag-aaral ang frecuencia o dalas at porsentahe ng paggamit ng mga hispanismo sa kasalukuyan at kung paano ginagamit ng makabagong Filipino ang mga hispanismo para palawakin ang kanyang bokabularyo. Pinatutunayan sa akdang ito na ang mga hispanismo ay tunay na kabahagi ng pambansang wika.
Apat na Siglo ng Pagsasalin: Bibliograpiyang mga Pagsasalin sa Pilipinas (1593-1998).; 1998.
AbstractBibliograpiya ito ng mga akdang naisalin mula sa mga dayuhang wika tungo sa Tagalog, Pilipino, at Filipino. Binabalangkas ang nilalaman ayon sa tradisyonal na pagyuyugtong pangkasaysayan: panahon ng Kastila (1593-1898); panahon ng Amerikano (1900-1940); panahon
ng Hapon (1941-1945); at kasalukuyang panahon (1946-1998). Itinampok dito ang pagsasalin ng iba’t ibang anyong pampanitikan na malaganap sa bawat panahon. Kalakip din ang bibliograpiya ng mga lokal at dayuhang artikulo at libro tungkol sa pagsasaling-wika.
Angkan ni Socrates.; 1998.
AbstractLayunin ng aklat na talakayin ang mga kaisipan na humubog sa kanluraning pananaw hinggil sa lipunan, ekonomiya, at politika. Labing-walong piling pilosopo mula sa klasikong panahon ng mga Griyego at Romano hanggang sa kontemporanyong panahon ang napapaloob
sa aklat. Limang tema ang nag-uugnay sa iba’t ibang panahon na saklaw ng aklat: (1) layunin ng lipunan, (2) kalikasan ng tao, (3) mga uri ng estado, (4) pagbabago ng lipunan at estado, at (5) mga pangunahing isyu ng ekonomiya.
Mabisang paraan ang ganitong paglalahad upang isalarawan ang ebolusyon ng mga kasalukuyang teorya sa larangan ng sosyolohiya, ekonomiks, at agham pampolitika. Higit na mauunawaan ang mga kontemporanyong usaping teoretikal sa agham panlipunan sa pamamagitan ng isang pananaw na tumutukoy sa kanilang pinagmulan.