Abstract:
Isang pag-aaral lingguwistiko (na nakasulat sa Espanyol) ng mga hispanismo o salitang espanyol na matatagpuan sa makabagong Filipino, batay sa komunikasyong pangmadla ng Filipinas, tulad ng radyo, telebisyon, peryodiko at magazine. Isinagawa ang pag-aaral ayon sa iba’t ibang antas lingguwistiko: ortograpiko, ponolohiko; morpolohiko, semantiko at leksiko, upang alamin kung paano pumaloob at umangkop ang mga hispanismo sa wikang pambansa. Kasama rin sa pag-aaral ang frecuencia o dalas at porsentahe ng paggamit ng mga hispanismo sa kasalukuyan at kung paano ginagamit ng makabagong Filipino ang mga hispanismo para palawakin ang kanyang bokabularyo. Pinatutunayan sa akdang ito na ang mga hispanismo ay tunay na kabahagi ng pambansang wika.:: P300.00 280 p.; 18 x 25 cm; c1998 (bookpaper; softbound) ISBN 971-8781-77-3