Abstract:
Layunin ng aklat na talakayin ang mga kaisipan na humubog sa kanluraning pananaw hinggil sa lipunan, ekonomiya, at politika. Labing-walong piling pilosopo mula sa klasikong panahon ng mga Griyego at Romano hanggang sa kontemporanyong panahon ang napapaloob sa aklat. Limang tema ang nag-uugnay sa iba’t ibang panahon na saklaw ng aklat: (1) layunin ng lipunan, (2) kalikasan ng tao, (3) mga uri ng estado, (4) pagbabago ng lipunan at estado, at (5) mga pangunahing isyu ng ekonomiya. Mabisang paraan ang ganitong paglalahad upang isalarawan ang ebolusyon ng mga kasalukuyang teorya sa larangan ng sosyolohiya, ekonomiks, at agham pampolitika. Higit na mauunawaan ang mga kontemporanyong usaping teoretikal sa agham panlipunan sa pamamagitan ng isang pananaw na tumutukoy sa kanilang pinagmulan.:: Malaya Ronas 150 p.; 18 x 25 cm; c1998 P200.00 ISBN 971-8781-78-1 (bookpaper; softbound)