Abstract:
Naglalaman ang aklat na ito ng ilang artikulo mula sa Summa Theologiae ni Sto. Tomas de Aquino na isinalin sa wikang Filipino. Ipinapaliwanag dito ang kaugnayan nito sa ilang isyung panrelihiyon na nagsisilbing hamon sa sambayanang Filpino sa kasalukuyan. Maaari itong gamiting gabay panrelihiyon sa pang-araw-araw na buhay, kahit na ano pa ang kaniyang pananampalataya at sinanibang iglesya o relihiyong samahan. Isinulat ni Sto. Tomas ang Summa Theologiae para sa mga mag-aaral ng pamantasang nagsisimula pa lamang sa pag-unawa ng Banal na Aral. Hindi niya ito isinulat para sa mga Katoliko lamang para ito sa mga kabataang napakaraming itinatanong tungkol sa relihiyon na tulad ng mag-aaral ngayon, at mga karaniwang Filipino, marami sa kanila ang nalalabuan o kaya’y nababagot sa nakagisnang rehiliyon at pananampalataya.:: Jose Manuel Antonio M. Tejido; 117 p.; 18 x 25 cm; c2005 P200.00 ISBN 971-635-022-8 (bookpaper; softbound)