Abstract:
Mapapansin na sa mga naunang kasaysayan ng Filipinas, ang tuon ng pansin ay ang mga dokumentong magagamit—kolonyal ang katangian at sumasalamin sa kamalayan ng mga kolonyalista. Kung makikita man ang pananaw ng mga Filipino, karaniwan ay mula sa punto de bista lamang ng mga ilustrado na nagtatangkang magpasikat sa mga kolonyalista at ipakita na ang mga Filipino ay kapantay nila at karapat-dapat para sa mga kolonisador sa kanilang teritoryo at sa kanilang sukatan. Marami pa rin sa mga aklat ng kasaysayan ang nagpapahayag ng ganitong pagkiling—ang mga Filipino ayon sa sukat ng “pormal” at “tanggap” na sukatan ng hulmahang Europeo. Maunawaan ang ganitong gawi sa dahilang nais ipakita ng mga Filipino na sila ay dapat na seryosong mabigyan ng tulad na mga karapatan at pribilehiyo na tinatamasa ng mga kolonisador. Ang pag-aaral sa Cofradia de San Jose at sa mga tala nito, lalo na ang mga isinulat ni Apolonario dela Cruz, ay nagbibigay ng perspektibong Filipino sa kaniyang pisikal at espiritwal na daigdig, sa kaniyang nakaraan at sa kaniyang pagkatao.:: Setsuho Ikehata & Lilia F. Antonio (mga editor); 527 p; 18 x 25 cm c2007; Php 350.00; ISBN978-971-635-026-5; (bookpaper; softbound)