Citation:
Abstract:
Pag-oorganisa ng Pamayanan tungo sa Kaunlaran na Mula Tao Para sa Tao: Ang aklat na ito ay puno ng kuwento ng buhay na naging patunay na ang “kasaysayan ng sambayanang Pilipino ay kasaysayan ng pag-oorganisa at sama-samang pagkilos ng masa para sa kalayaan at kagalingan ng lipunan.” Ang kuwento sa aklat na ito ay hinabi hindi lamang sa pagtuturo ng pamamaraan ng pag-oorganisa at pagkilos kundi higit sa lahat nagbibigay ng liwanag at lakas ng loob—inspirasyon. Pinatunayan ng awtor na ang kuwento ay mabisang sandata sa paglinang ng daan tungo sa kalayaan at kagalingang panlipunan. Ang layunin ng aklat na ito upang ipagmalaki na ang pag-oorganisa ay bunga ng mga karanasan ng mga mamamayang Pilipino, lalo na ang mga mahihirap sa kanilang pakikipagtunggali sa mga lokal at dayuhang mapagsamantala. Akma ang mga prinsipyo at pamamaraan ng pag-oorganisa na nilahad sa aklat na ito sa panahon ng “Globalisasyon” kung saan mas higit ang kalituhan at ligalig, higit na kailangan ang katulad na aklat na walang sawang pinaaalahanan tayong bumalik sa “basics” “mula sa masa tungo sa masa.”:: Angelito G. Manalili 398 p.; 15 x 23 cm; c2012 ISBN978-971-635-040-1 PhP380.00 (bookpaper; softbound)