TALASALITAAN - ABRIL 28, 2016

April 26, 2016
TALASALITAAN - ABRIL 28, 2016

Itinataguyod ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman) sa pakikipagtulungan ng Komite sa Wika ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, UP Diliman ang regular nitong talakayan na Talasalitaan na may temang “Wika ng Media at Kultura ng Eleksiyon” sa Abril 28, 2016, 2016 (Huwebes) sa ganap na 2:00-4:00 ng hapon sa Media Center TV Studio, UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, Ylanan Street, Diliman, Lungsod Quezon. Bahagi rin ang programang ito para sa pagdiriwang ng Linggo ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.

Sa pamamagitan ng pag-imbita ng mga Tagapagtalakay mula sa iba’t ibang akademikong disiplina at industriya ng mass media, magiging lunsaran ang wikang Filipino upang magkaroon ng diskurso sa iba’t ibang paksa at usaping umiikot sa ugnayan ng wika at media sa konteksto ng kultura ng eleksiyon sa Pilipinas.

Magiging Tagapagtalakay sina Prop. Danilo A. Arao at Prop. Maria Diosa D.V. Labiste ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, Prop. Josephine C. Dionisio, UP Departamento ng Sosyolohiya, Prop. Rowena E.V. Daroy-Morales, Direktor, UP Diliman Legal Aid Office, at G. Jiggy D. Manicad, News Anchor, GMA News and Public Affairs.

Ang naturang Talakayan ay iko-cover livestream ng UP Diliman Interactive Learning Center. Mapapanood ito live sa http://dilc.upd.edu.ph/stream

Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng SWF na nagtatampok ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina upang higit pang maisulong ang Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas.

Bukas ang paanyayang ito sa mga guro at mag-aaral. Walang bayad ang rehistrasyon. 
Maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion para sa inyong mga katanungan. Maaari ding tumawag sa 9244747 o 981-8500 lokal 4583, o mag-email sa swf@upd.edu.ph.

2016_abr_-_talasalitaan_-_wkme_spkrs4.jpg