Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan

March 5, 2015
Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan

Ang UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman) sa pakikipagtulungan ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism & Democracy-UP (CONTEND-UP) at UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadala ay magdaraos ng forum na may temang Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan.  Gaganapin po ito saMarso 5, 2015 (Huwebes), 1:00 nh - 5:00 nh sa Awditoryum ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadala, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

 

Ilan sa tagapagsalita ng naturang forum sina Dr. Epifanio San Juan, Jr., Propesor Emeritus ng English Comaparative Literature & Ethnic Studies ng UP Diliman upang tumalakay sa paksang Hinggil sa Digmaan at si Pnoy, Dr. Judy Taguiwalo, Direktor ng UP Center for Women’s Studies para talakayin ang paksang Hinggil sa Digmaan at Kababaihan, Bb. Allynna-Haneefa A. Macapado, Vice-President for External Affairs ng UP Muslim Students Association upang talakayin ang paksang Tinig ng Kabataang Muslim, at Kgg. Neri Javier Colmenares, kinatawan ng Bayan Muna Partylist.

 

Magiging reaktor at kritiko naman sina G. Amado Mendoza ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Bb. Lisa Ito ng Kolehiyo ng Sining Biswal, at Prop. Maria Diosa Labiste ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla. Samantala, ang Direktor ng Research Dissemination and Utilization Office ng Opisina ng Bise-Tsanselor para sa Saliksik at Pagpapaunlad na si Dr. Gonzalo Campoamor II ang magbibigay ng sintesis. Tagapagpadaloy ng talakayan si Prop. Choy Pangilinan ng UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla.

 

Ang UP SWF Diliman ay opisina na nasa ilalim ng tanggapan ng Tsanselor na nagtataguyod ng mga proyekto ukol sa         pagpapayabong ng wikang Filipino at sa patakarang pangwika ng UP. Isa sa mga tungkulin ng SWF ay sumuporta sa mga estrukturang akademiko para sa mas mabisa, mabilisan at malaganap napaggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga seminar-workshop, forum, kumperensiya, at lektyur na pangwika sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikangFilipino.

 

Ang CONTEND naman ay isang grupo ng mga guro na naniniwala na may mahalagang tungkulin ang mga edukador sa pagkilos para sa pagbabago ng lipunan. Ang CONTEND ay tumanggap ng hamon na mag-organisa at mamuno sa kilusan ng militante at mga progresibong edukador para sa layon na magkaroon ng pagkakapantay-pantay at pagbabago sa lipunan.

 

Ang UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ay may tatlong departamentong tinaguriang Commission on Higher Education (CHED) Centers of Excellence - Brodkasting; Pananaliksik sa Komunikasyon; at Peryodismo. Ang UP Film Institute naman ang natatanging internationally-accredited academic institution sa Pilipinas na nagbibigay ng mga kurso sa Pelikula sa antas ng Batsilyer at Masterado. Ipagdiriwang ng kolehiyo ang ika-50 anibersaryo nito sa Hunyo 19, 2015.

 

Maaari dumalo ang mga guro, mag-aaral, media practitioner, at mananaliksik. Wala pong bayad ang gawaing ito .Mangyaring  makipag-ugnayan  kay Gemma Cabrera-Dalmacion sa 9244747 para sa inyong katanungan.