Date:
Location:
“TALASALITAAN: Isang Paglulunsad at Panayam”
Itinataguyod ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa pakikipagtulungan sa Opisina ng Tsanselor at UP Kolehiyo ng Arte at Literatura (UP KAL) ang TALASALITAAN: Isang Paglulunsad at Panayam,” na gaganapin sa 26 Pebrero 2015, Huwebes, mula ika-1 ng hapon hanggang ika-5 ng hapon, sa Pulungang Recto Bulwagang Rizal, Faculty Center, UP Diliman, Lungsod Quezon. Ang proyektong ito ay isang pakikilahok ng SWF sa pagdiriwang ng Buwan ng UP Diliman, gayundin ang patuloy na tradisyon ng pagpapalakas sa Filipino sa akademya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga talakayang pangwika at pagpapakilala sa mga bagong saliksik at publikasyong produkto ng SWF. Sa Panayam, itatampok ang mga saliksik na nalathala bilang bahagi ng Daluyan Journal—“Ang Kasalukuyang Pagkakilanlan sa Iraya Mangyan” ni Dr. Aleli Bawagan at “Noon pa man, nand’yan na; ano’t inietsapwera ang Maraming Wika sa Pilipinas” ni Dr. Reuel M. Aguila. Sa Lunsad-Aklat, ipakikilala sa madla ang mga aklat na Sining at Lipunan nina Dr. Patrick Flores at Dr. Cecilia De La Paz, Katutubo vs Banyaga ni Dr. Pamela C. Constantino, Saliksik UP ni Dr. Rosario Torres – Yu, at mga bagong isyu ng Daluyan Journal. Ito ay bukás sa publiko.
Para sa iba pang detalye, maaaring tumawag sa 981-8500 lokal 4583 o sa 9244747. O mag-email sa sentrongwikangfilipino_diliman@yahoo.com.