Citation:
Abstract:
Naglalaman ng anim na isinaling dula ang aklat na naitanghal na noon sa Dulaang UP, Metropolitan, Vinzon’s Hall sa UP at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nailathala na rin ang mga ito tulad ng “Nora” sa salin ng “A Doll’s House ni Henrik Ibsen sa Malay, ang Dyornal sa De La Salle University, sa 18 Plays Translated in Filipino ang “Kalahating Oras sa Isa Kumbento” (Half An Hour In A Convent), “Tatlong Ulupong” (Three Rats) , at “Katanungan” (Question Mark) ni Wilfrido Ma. Guerrero. Matatagpuan rin sa publikasyon ng Diwa ang ilang sipi mula sa mga dulang “Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon” (Much Ado About Nothing) ni William Shakespeare, “Anim na Tauhang Naghahanap ng Mangangatha” (Six Characters in Search of an Author) ni Luigi Pirandello at “Nora” ni Hendrik Ibsen. Sinikap ng tagasalin na higit na kontemporaneo ang lengguwahe sa ginawang rebisyon sa mga dula. Nilangkapan rin ng mga tanong bilang Gabay sa Pag-aaral at Talambuhay ng Awtor ang bawat dula upang lubos na makatulong sa mga mambabasa/mag-aaral at/o magtatanghal ng mga dula.:: Lilia F. Antonio, Ph.D. 268 p,; 18 x 25 cm; 2014 ISBN978-971-635-044-9