Ang UP Sentro ng Wikang Filipino (UP SWF) ay isang institusyon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na nagtataguyod sa wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, saliksik at publikasyon, at opisyal na komunikasyon ayon sa tadhana ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, seksiyon 6 at 7 na:
Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng Kongreso, gagawa ng hakbang ang Pamahalaan upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng Filipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatakda ang batas, Ingles.
Isinilang ang UP Sentro ng Wikang Filipino nang aprobahan ng Lupon ng mga Rehente ang Patakarang Pangwika ng UP noong 29 Mayo 1989. Aktibong kumilos ang UP Sentro ng Wikang Filipino hindi lamang para tumulong sa pagpapatupad ng Patakarang Pangwika kundi para paunlarin at palaganapin ang pambansang wika. Sa loob ng UP, aktibo itong lumahok sa pagbuo ng mga Komite sa Wika sa mga kolehiyo. Sa labas ng UP, nakipag-ugnay ito sa DepEd (dating DECS), CHED, Korte Suprema at PRC (Professional Regulation Commission) para isulong ang paggamit ng Filipino sa edukasyon at sa pamahalaan. Nakipagpulong din ito sa ilang kongresista at senador upang itaguyod ang mga panukalang batas sa wika lalo na ang pagtatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino. Pinangunahan din nito ang pagbuo ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), isang samahan ng mga pang-akademyang institusyon na nagtuturo ng Filipino upang pabilisin ang estandardisasyon ng wika at ang pagpapalaganap nito lalo sa akademya.
Nagdaos din ang UP SWF ng iba't ibang kumperensiya, seminar at workshop sa pagtuturo ng/sa Filipino, pagsasalin, pagsulat ng teksbuk sa Filipino. Nag-isponsor ito ng iba't ibang lektyur-forum at Kapihan sa Wika para talakayin ang mga napapanahong isyung pangwika. Naglathala ito ng Daluyan: Journal ng mga Talakayang Pangwika para mailimbag ang mga natatanging pag-aaral at pananaliksik pangwika. Bumuo ito ng mga glosari at diksiyonaryo sa iba't ibang disiplina, at sumunod dito ang isang komprehensibong diksiyonaryo na monolinggwal sa Filipino, ang UP Diksiyonaryong Filipino. Pinasimulan nito ang isang malawakang proyekto ng pagsulat ng mga teksbuk sa Filipino para sa iba't ibang disiplina-ang Aklatang Bayan. Sa pamamagitan nito, natugunan ang pangangailangan sa mga kagamitang panturo ng mga gurong nagsisimula at nais gamitin ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, napaigting ang pagpapatotoo na may kakayahang magamit ang Filipino para sa iba't ibang diskurso kahit ang akademiko.