Idinaos noong Biyernes, 29 Oktubre, 2021 ang kauna-unahang Kadunong Lecture ng UP CSSP Folklore Studies Program na pinamagatang "Todos Los Santos: Rituals of Remembrance". Nagbahagi ng kanilang mga pananaliksik sina Prop. Grace Barretto-Tesoro, PhD ng UP Archaeological Studies Program at Prop. Noreen H. Sapalo ng UP Department of Anthropology. Kami naman ni G. EJ Bolata ng Departamento ng Kasaysayan ang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa sa hapong iyon. Mapapanood ang recording ng sesyon sa https://www.facebook.com/UPFolkloreStudiesProgram/videos/1348935302224636. Read more about Unang Kadunong Lecture ng UP CSSP Folklore Studies Program
Noong 22 Oktubre, 2021 ay kinapanayam ako ng teacher-scholars mula sa Marinduque State College, Graduate Diploma in Cultural Education para sa kanilang dokumentaryong pinamagatang "Ipinamalay Na!". Nilikha sa ilalim ng Aman Sinaya Productions, tinalakay ng dokumentaryo ang posibleng mga koneksyon ng Munisipyo ng Pinamalayan, Oriental Mindoro sa Lalawigan ng Marinduque. Nagbigay ako ng ilan sa aking mga kuro-kuro at nagbanggit ng mahahalagang datos at sanggunian na makatutulong sa paglapit sa pananaliksik sa toponimiya, o ang pag-aaral sa pagpapangalan ng mga lugar.
Nagbigay ako ng ilan sa aking mga kuro-kuro at opinyon tungkol sa kampanyang #NoToBudgetCut ng iba't ibang organisasyon at pormasyong pangmag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Makikita sa sumusunod na post ng League of Filipino Students - College of Social Sciences and Philosophy (LFS-CSSP) ang mga pahayag ko at ng aking mga kapuwa guro tungkol sa isyu: https://www.facebook.com/lfsupdcssp/posts/1914606872057589. Read more about Pahayag ng mga Guro ukol sa UP Budget Cut