Ang UP Sentro ng Wikang Filipino (UP SWF) ay isang institusyon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na nagtataguyod sa wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, saliksik at publikasyon, at opisyal na komunikasyon ayon sa tadhana ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, seksiyon 6 at 7 na:
Ang e-Bahagi ay publikasyon ng mga tesis at disertasyon tungkol sa wikang Filipino o sa iba’t ibang paksa mula sa mga akademikong disiplina na gumagamit ng wikang Filipino. Ang mga pananaliksik na ito ay patunay na buhay ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.