Isinagawa ng Dibisyon ng Humanidades (Division XI) ng NRCP ang Webinar sa “Wika at Pananaliksik: Pagdiriwang sa Buwan ng Wika” noong Agosto 26, 2021 bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika.
Ang layunin nito ay para talakayin ang ugnayan ng lengwahe at saliksik, punahin ang paggamit ng Filipino sa saliksik, at para payabungin ang produksyon ng kaalaman sa NRCP sa iba’t ibang disiplina.
May dalawang parte ang programa. Una ay ang natatanging panayam ng ating panauhing pandangal na si Dr. Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining, habang ang pangalawa ay ang pagtatanghal ng mga akdang pampanitikan at pagbabahagi hinggil sa pook ng saliksik sa malikhaing pag-aakda.
Nagtanghal sina Dr. Jose Wendell Capili (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman), Dr. Michael Coroza (Pamantasang Ateneo de Manila), Dr. Sir Anril Pineda Tiatco (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman), Ralph Lorenz Fonte, MD (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), Dr. John Barrios (Unibersidad ng Pilipinas, Visayas), Dr. Victor Emmanual C. Nadera Jr. (Unibersidad ng Pilipinas, Diliman), at Jerry Gracio (ABS-CBN).